Tatlo at apat na letra,
Ni hindi magkatugma.
Ngunit 'pag pinagsama,
Ni hindi maikumpara.
Hindi inakalang dalawa'y maaaring pag-isahin.
Sa mistulang kinang ng bituin,
Marami'y nagtaka, papaano nagsimula—
Tila nabahala, tila naghinala.
Laking pasasalamat sa pangyayaring ito—
Nakabuo ng pambihirang k'wento.
Subalit hindi ito imbento,
Dumami man ang negatibong komento.
Kaya't sa bawat patak ng oras,
Siyang yakap nang mahigpit.
Natatakot na ito na ang maging wakas.
"Mahal kita, Luna" paulit-ulit kong sambit.
Sa oras na ika'y mawala,
Mananatiling nakatatak sa alaala.
Sapagkat ito'y isang himala,
Nang tayo'y pagtagpuin ni Bathala.
Mahal kong Luna,
Sa pagpikit ng iyong mga mata,
Nakadungaw lamang ako sa bintana—
Inaabangan ang muli mong pagbisita.
Marahil sa iyong paglisan,
Hindi maikubli aking kalungkutan.
Ngunit ito'y aral sa ating mahiwagang karanasan—
Walang SOLusyon sa kalungkutan, kung wala ang LUNAs.
Comentários